Rosemarie Sonora, ‘di makakauwi sa burol ni Susan!

Rosemarie Sonora, ‘di makakauwi sa burol ni Susan!

May 22, 2022 @ 2:56 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Nakaburol ngayon sa Heritage Park ang mga labi ng movie queen na si Susan Roces.

Born Jesusa Purificacion Levy Sonora, pumanaw ang kung tawagin sa showbiz circle na Inday o Swannie nitong May 20 dahil sa atake sa puso.

Unang kinumpirma ng pamangkin niyang si Lawrence o Wowie ang kanyang pagkamatay sa kanyang Facebook account.

Si Wowie ay isa sa tatlong anak ni Rosemarie Sonora, nakababatang kapatid ni Susan.

Si Rosemarie na dati ring artista sa bakuran ng Sampaguita Pictures ay naninirahan na sa Amerika mula pa noong 1987 at umuuwi lang ng Pilipinas para magbakasyon.

May asawa na ito, si David Loomis na kaedaran ni Susan.

Dati siyang maybahay ng yumao nang si Ricky Belmonte.

Kinapanayam ng PEP si Wowie para tanungin kung makakauwi ang ina.

Ayon kay Wowie, hindi raw makakapunta si Rosemarie sa burol dahil sumasailalim sa cancer treatment ang asawa nito.

Samantala, lumuwas naman galing Ilocos Sur ang mga dating co-stars ni Susan sa FPJ’s Ang Probinsyano para um-attend ng burol nito.

Papel bilang Lola Flora ang ginagampanan ni Susan sa longest running primetime teleserye sa ABS- CBN.

Babalik din agad ang cast sa taping ng FPJAP sa Ilocos Sur pagkatapos ng misa.

Habang sinusulat ito’y wala pang detalye hinggil sa interment. Ronnie Carrasco III