Rotational brownout ng NGCP pinalagan ni Hontiveros

Rotational brownout ng NGCP pinalagan ni Hontiveros

September 16, 2022 @ 3:32 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Matinding binatikos ni Senador Risa Hontiveros ang National Grid Corporation of the Philippine na pawang pribadong kompanya na patuloy na lumalaki ang kita sa kabila ng pagkabigo nitong mapanatili brown-out free sa operasyon ng Luzon grid.

Ayon sa senadora, na nagsusulong ng mga reporma sa sektor ng kuryente, walang dapat santuhin ang Energy Regulatory Commission (ERC) sa imbestigasyon nito sa kamakailang desisyon ng NGCP na ilagay ang Luzon grid sa yellow at red alerts – isang hakbang na humantong muli sa rotational blackouts sa buong bansa.

β€œAng laki-laki ng binabayaran ng konsyumer sa kuryente pero taon-taon na lang silang namomroblema sa paulit-ulit na brownout. Ang laki-laki ng kinikita ng NGCP pero puro sablay naman ang kanilang serbisyo. It is time for our regulatory agencies to really hold NGCP accountable for failing to keep its promise of improving its services to the public,” ani Hontiveros.

Binanggit ni Hontiveros na sa mga nakaraang pagdinig ng Senado, nangako ang mga kinatawan ng NGCP sa mga mambabatas na gagawa sila ng mahahalagang reporma na makakatulong sa pagtugon sa iba’t ibang problema na nagdudulot ng rotational blackouts sa bansa.

β€œWhat happened to the firm contracts for ancillary services and improvement of major lines by the NGCP? Anyare na, lip service lang ba ito?,” tanong ng Senadora.

Ayon pa kay Hontiveros, pinahintulutan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang NGCP na magpatupad ng interim maximum annual revenue na P51.471 bilyon noong 2020. Nauna na ring ibinunyag ni Hontiveros na nakatanggap ang NGCP shareholders ng P187.8B halaga ng dibidendo sa loob lamang ng sampung taon ng kanilang 25-taong kontrata ng pagpapatakbo ng power grid system sa ilalim ng maanomalyang at kontrobersyal na WACC na 15%.

β€œThe higher revenue is supposed to help NGCP upgrade — and modernize — its transmission infrastructures — that will make the national grid more stable and reliable. Bakit parang walang nangyayaring reporma maliban sa lalong pagyaman ng mga shareholder ng NGCP? In fact, NGCP has a total of 127 delayed transmission projects all over the country and only around 36 have been met within schedule. Obviously, aside from the problems coming from the generation sector supply capacities we also have a clear problem in our transmission courtesy of NGCP” ani Hontiveros.

β€œThere should be an overall review of the power transmission development plan and implementation process as well as the system operation of the power grid. The EPIRA law must be amended to establish a power industry structure that is responsive to the needs of our people and not only providing profits for bad services,” pagtatapos ni Hontiveros. Ernie Reyes