ROUTINE IMMUNIZATION BUMABA SA 40% DAHIL SA COVID-19 PANDEMIC

ROUTINE IMMUNIZATION BUMABA SA 40% DAHIL SA COVID-19 PANDEMIC

April 18, 2022 @ 7:59 AM 2 months ago


HINIMOK ng Philippine Foundation for Vaccination ang mga LGU na bigyang prayoridad ang Routine Immunization para sa mga bata kasabay ng COVID-19 Operations dahil mahalaga ang bakuna.

 

Sa gitna ng pagbaba ng kaso ng COVID-19, may programa pa ring ipinatutupad ang gobyerno para sa pagbabakuna ng mga bata na dapat bigyang pansin ng lokal na pamahalaan.

 

Sa pangunguna ng Department of Health, ang National Immunization Program o mas kilala sa tawag na Expanded Program on Immunization, ay ang pangunahing programa para sa bakuna na nagbibigay-daan para sa routine vaccination ng mga sanggol at bata. 

Sa ngayon, ang NIP ay nagbibigay-proteksyon laban sa 14 vaccine-preventable diseases mula sa dating anim lamang noong dekada 70.

 

Sinabi ni Dr. Lulu Bravo, isang eksperto ng pediatric infectious disease at executive director ng Philippine Foundation for Vaccination, na labis na naapektuhan ng pandemyang dulot ng COVID-19 ang pagbibigay ng routine immunization sa ating bansa.

 

“Naapektuhan ang serbisyo ng pagbabakuna sa regional, national at global na level. Halos 70% ng mga bansa sa mundo ay nagkaproblema sa pagbibigay ng routine vaccination sa mga bata. Bagamat ang ibang bansa ay naka rekober na, ang Pilipinas, ay hindi pa. 

Kailangan pa nating makabalik sa immunization coverage natin noong 2015. 

Noon, mayroon tayong 93 porsiyentong vaccine confidence na nangangahulugan na 80% hanggang 90% vaccination rate. Sa ngayon, mayroon lamang tayong 30 hanggang 40 porsiyentong vaccination rate.

Ayon sa 2020 Field Health Service Information System annual report, anim lamang sa sampung batang Pilipino ang masasabing kabilang sa fully immunized children.

Ito ay 29.82 porsiyento na mababa sa national program target na 95 porsiyento.

Sa loob ng huling limang taon, hindi umaabot sa nais na immunization program cover ang bilang ng FIC at bumaba pa ito mula sa coverage na 80.20 porsiyento noong 2016.