Roxas at Purisima, ipatatawag sa Senado kaugnay sa isyu ng Mahindra patrol cars

Roxas at Purisima, ipatatawag sa Senado kaugnay sa isyu ng Mahindra patrol cars

July 4, 2018 @ 5:15 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Pinagpapaliwanag sa senado si dating Interior and Local Government Secretary Mar Roxas at dating Philippine National Police Chief Alan Purisima sa isyu ng Mahindra deal na nagkakahalaga ng P1.89-billion.

Iginiit ni senate committee on public services chairman Senator Grace Poe na imposible itong matuloy kung hindi alam ng dating DILG secretry ang negosasyon.

Bukod dito, kinukuwestiyon din ang Department of Transportation (DOTr) at DILG noong administrasyon Aquino dahil sa pagbibigay umano ng undue favor sa isang bidders ng naturang proyekto.

Itinakda naman ng Senado ang imbestigasyon sa naturang isyu sa July 23. (Remate News Team)