Roy Mabasa, bagong host ng ‘Lapid Fire’

Roy Mabasa, bagong host ng ‘Lapid Fire’

December 8, 2022 @ 11:28 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Si Roy Mabasa, kapatid ng pinaslang na mamamahayag na si Percival “Percy Lapid” Mabasa, ang mangangasiwa sa kanyang radio program.

“Sisikapin natin ang kaniyang nasimulan at walang takot na pagsisiwalat ng katotohanan,” ani Mabasa sa “Lapid Fire” episode na umere sa DWBL 1242 at sa Facebook. 

Pinatay sa pamamaril si Percy Lapid, 63, malapit sa kanyang tahanan sa Las Piñas noong Oktubre 3.

Si suspended Bureau of Corrections chief Gerald Bantag ang itinuturong nasa likod ng pagpatay, maging ang kanyang deputy security officer na si Ricardo Zulueta.

Ipinag-utos umano ni Bantag na patayin si Lapid kasunod ng “continued exposé by the latter of the issues against the former on his show”, ayon sa National Bureau of Investigation.

Mariin itong itinanggi ni Bantag, habang hindi pa ntutunton si Zulueta.

Sa Lapid Fire episode nitong Miyerkules, sinita ni Mabasa si Bantag sa paghiling sa Department of Justice prosecutors na mag-inhibit sa paghawak sa preliminary investigation sa pagpatay sa mamamahayag. Batay sa Konstitusyon, iginiit ni Bantag na ang Ombudsman ang dapat na may hurisdiksyon sa imbestigasyon.

“Ito ay taktika lamang para maiwasan ang pag-i-issue ng warrant of arrest laban sa kaniya,” ani Mabasa. 

Panauhin din ang mga anak ni Lapid sa radio show at ibinahagi kung paano nila kinakaya ang pagkamatay ng ama.

“Medyo nag-back to zero po kami talaga na-reset kami kasi nabago mga pangarap namin, mga plano namin. Lahat kami huminto sa pagtatrabaho at pag-aaral,” sabi ni Mark Mabasa, panganay sa magkakapatid. RNT/SA