RR at Xian, sumawsaw sa Maggie-Victor isyu!

RR at Xian, sumawsaw sa Maggie-Victor isyu!

July 21, 2022 @ 7:20 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Naglipana sa social media ang mga aminadong nakikisawsaw sa isyu sa pagitan ng estranged couple na sina Maggie Wilson at Victor Consunji. Kabilang dito sina RR Enriquez at Xian Gaza.

Inilabas nila ang kani-kanilang opinyon sa socmed: si RR sa Instagram, si Xian sa Facebook.

“Dahil nagpapa-nails ako at 4 hours din ‘yon, I have time to make sawsaw,” paunang post ni RR.

Aniya, dapat daw ay binigyan ni Victor ng kahihiyan si Maggie alang-alang na lang daw para sa kanilang anak.

Bali-baligtarin daw ang mundo, si Maggie ay nanay pa rin ng kanilang anak.

Mas mabuti raw na humanap na lang ng ibang tirahan ang dating beauty queen.

Tinawag pa ni RR na bastos ang mga tauhan ng VCDC at DMCI na nagsagawa ng pagpa-padlock sa bahay ni Maggie sa Taguig.

Samantala, kilala si Xian bilang sawsawero sa maraming isyu sa showbiz, kaya hindi na kataka-taka kung may opinyon din siya tungkol dito.

Aniya, huwag na raw magdrama o magpaawa si Maggie.

Huwag daw itong matakot kung iniisip nitong ipapapatay siya ni Victor.

Hindi raw bobo si Victor para gawin ‘yon.

Pinayuhan din ni Xian si Maggie na tumira na lang sa bahay na hindi pag-aari ni Victor.

Ang latest, naglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Taguig Regional Trial Court para huwag mapaalis si Maggie sa “rented house” nito sa Taguig City. Ronnie Carrasco III