RR, inokray ang bagong Darna!

RR, inokray ang bagong Darna!

July 22, 2022 @ 7:20 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines- Sa kanyang Instagram account dinaan ng self-confessed sawsawera na si RR Enriquez ang kanyang opinyon patungkol kay Jane de Leon bilang Darna.

Ayon kay RR, kulang sa dating o tindig ng balahibo ang bagong gumaganap na local super hero.

Wala raw oozing appeal si Jane.

Ikinumpara kasi ni RR si Jane sa mga gumanap na bilang Darna na sina Angel Locsin at Marian Rivera.

Pero in fairness daw kay Jane, ayon kay RR ay maganda ito at mukha naman daw mahusay umarte.

“Pero malay natin, baka gulatin na lang niya tayo,” bawi ni RR.

Sana raw ay si Liza Soberano na lang daw ang gumanap sa role. Perfect daw ang batang aktres.

Matatandaang nag-back out si Liza sa naturang project makaraang magtamo ng finger injury sa teleseryeng Bagani ng ABS-CBN.

Si Jane naman ang nakapasa sa inilunsad na search ng istasyon as the next Darna.

Ang Darna ang papalit sa babakantehing time slot ng FPJ’s Ang Probinsyano. Ronnie Carrasco III