RR, iritado sa iyak ng sanggol, nagpaliwanag!

RR, iritado sa iyak ng sanggol, nagpaliwanag!

February 11, 2023 @ 7:50 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Sabi nga, different folks, different strokes.

Ito ang gustong ipamukha ng binansagang Sawsawera Queen na si RR Enriquez lalo na sa isang netizen na nakairita sa kanya sa pagtatanong kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa siya nagkakaanak.

Ipinost ni RR ang screen shot ng tanong ng netizen, at diretso niya itong sinagot.

Nagtataka kasi ang netizen kung bakit sa kabila ng 14 years na pagsasama nila ng former Ginebra player na si Jayjay Helterbrand ay childless pa rin siya.

Obyus na bad trip ang dating aktres dahil aniya, kagigising lang daw niya at wala pa sa mood.

Inamin ni RR na bagama’t she loves kids ay hindi raw niya kakayaning dalhin sa kanyang sinapupunan ang sanggol sa loob ng siyam na buwan.

Hindi rin daw niya maimadying iluluwal niya ito either the normal way or by caesarean section, padededehin at aalagaan.

Allergic daw siya sa mga tinatawag na colic baby o ‘yung mga sanggol na iyak nang iyak.

‘Yun ay dahil hate niya ang ingay.

Gayunpaman, hanga si RR sa mga nanay na may kakayahang gawin ‘yon.

Pero aniya, “Having a kid is not for me.”

To top it all, hindi siya naniniwala na magiging ganap ang pagkababae ng isang babae once she bears a child.

Masuwerte nga raw si RR dahil iginagalang ni Jayjay ang desisyon niya na huwag mag-anak.

“Hindi ako naba-bother pag paulit- ulit na tinatanong ‘yan sa akin kundi naiirita ako!” sabi ni RR.

Kesa mag-anak ay nag-aalaga na lang siya ng kanyang pet dog na itinuturing niyang anak.

“But don’t get me wrong. I have a lot of friends who are mothers themselves at bilib ako sa kanila. ‘Yun nga lang, sabi ko nga, ang pagkakaroon ng anak is not for me kung paanong ‘yung babaeng gustung-gustong magkaanak, eh, hindi makabuo.” Ronnie Carrasco III