RR, may hamon kay Ivana!

RR, may hamon kay Ivana!

November 2, 2022 @ 9:00 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Ewan kung papatulan ni Ivana Alawi ang hamon ni RR Enriquez.

As everybody knows, self-confessed Sawsawero ng Bayan ang bansag sa TV at social media personality.

In her latest vlog, RR takes pride in a netizen’s comment that at 39 ay keri raw niyang kabugin si Ivana pagdating sa pagpapaseksi.

In fairness, si RR nga itong seksing-seksi at gandang-ganda sa 23 anyos na si Ivana.

Pero flattered siya that despite her age, she can hold a candle to the much younger actress.

Bumaba nga lang daw ang level of confidence niya noong magsama sila sa isang vlog.

Doon kasi ay sinabi ni RR na crush ng kanyang nobyo na si Jayjay Welterbrand si Ivana.

At mukhang mare-regain lang ni RR ang kanyang kumpiyansa pag kinagat ni Ivana ang kanyang hamon.

Tingnan daw kung sino sa kanilang dalawa ang may asim pa: ang 23 anyos o 39 anyos?

Obviously, si RR ang may asim based on the premised question na sino ang may asim pa?

Not all women her age possess that same appeal like she does.

But of course, not to be taken seriously ang challenge niyang ‘yon.

And as if naman ay papatulan siya ni Ivana, di ba? Ronnie Carrasco III