RR, may mensahe kay John Amores!

RR, may mensahe kay John Amores!

November 15, 2022 @ 1:29 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Nagbigay ng opinyon ang binansagang Sawsawera Queen na si RR Enriquez tungkol sa kontrobersyal na panununtok diumano ni John Amores ng Jose Rizal University (JRU) sa ilang nakalaban nilang players ng College of St. Benilde.

Pabirong sabi ni RR kay John, “Kung hindi ka na nila tanggapin sa basketball, meron akong nakikitang magandang future sa ‘yo, i-pursue mo ang pagiging boxer. Charot! Malay mo, ang hilig mong makipagsuntukan.

“O, ‘di ba parang dalawang beses mo nang ginawa ‘yan. Bakit hindi ka mag-training sa boxing? Baka doon sa boxing magkaroon ka ng magandang future.

“So kung ako sa’yo sundin mo si Kasawsawera Queen, mag-boxing ka na lang,” pabirong nasabi ni RR.

Gayunpaman, wish pa rin ni RR na sana’y mabigyan pa ng pagkakataong makabalik sa paglalaro si Amores at matupad pa rin nito ang pangarap niyang maging isang tanyag na basketbolista sa bansa. Rommel Placente