RR, pinagtripan ang boobs ni Heaven!

RR, pinagtripan ang boobs ni Heaven!

September 10, 2022 @ 4:30 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Unstoppable talaga si RR Enriquez sa pakikisawsaw!

Take note, in her latest vlog ay nandamay pa siya ng dalawang sawsawero.

Isa roon ang long-time jowa niyang si Jayjay Helterbrand at kapwa nito basketbolista.

Binalikan nila ang naunang hanash ni Heaven Peralejo tungkol sa kanyang acne o stubborn pimples.

Nagpauna naman si Heaven na ang pagkakaroon ng acne ay hindi dapat ikahiya.

Pero takang-taka si RR at ang dalawang ni-recruit niyang sawsawero kung bakit sa larawang ipinost ni Heaven ay wala naman itong makitang acne.

Duda nila, sinadya lang ni Heaven na irampa ang kanyang katawan nang naka-two-piece bikini.

After a while, RR shifted her attention to Heaven’s boobs.

Nagparetoke raw ang aktres pero agad namang humingi ng dispensa for her misjudgment.

Ayon kasi kay Jayjay, push-up bra ang suot ni Heaven.

Sports bra, to be exact.

Sa bandang huli’y pinangatawanan talaga ni RR ang pakikisawsaw sa mga trending issues.

Minsan nang binigyang katwiran ni RR ang pakikisawsaw sa mga usapin sa showbiz kahit wala namang kaugnayan sa kanya.

‘Ika nga, walang basagan ng trip! Ronnie Carrasco III