RR Pogoy, tatay na

RR Pogoy, tatay na

February 9, 2022 @ 1:44 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Gamit ang social media, inanunsiyo ni TNT KaTropa do-it-all guard na si Roger Ray Pogoy na magbubukas na ng bagong kabanata sa kanyang buhay bilang isang first-time dad.

Ayon sa 29-year-old, na sila ng kanyang asawang si Love Lynn Portes-Pogoy ay malapit nang magkaanak.

“Sinagot na panalangin! Panginoon, salamat sa pagpapala sa akin & Pag-ibig ng pinakamagandang regalo kailanman. Isa pang pakikipagsapalaran ay malapit nang magsimula,” hirit nito sa Instagram.

Sunud-sunod na larawan ang in-upload ni Pogoy na nagpapakita ng mga ultrasound ng kanyang asawa.

At ngayon, malapit na nilang masaksihan ang isa pang milestone sa kanilang relasyon.Rico Navarro