RT-PCR requirement para sa mga biyahero inalis na ng SoKor

RT-PCR requirement para sa mga biyahero inalis na ng SoKor

October 1, 2022 @ 3:06 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Binawi na ng South Korea ang COVID-19 Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) testing requirement para sa inbound travelers epektibo ngayong Oktubre 1.

Base sa VisitKorea, official website ng Korea Tourism Organization, ang rate ng confirmed cases mula sa overseas visitors ay bumaba mula 1.3% noong Agosto sa 0.9% nitong Setyembre. Dahil dito, lahat ng COVID-19 restrictions sa inbound travelers ay aalisin na.

Unang inalis ng South Korea nitong Setyembre 2022, ang mandatory pre-departure COVID-19 testing requirement para sa inbound travelers.

Samantala, ipinagbabawal ang walk-ins sa Taguig office ng South Korean embassy. Tanging aplikasyon na ipinasa sa pamamagitan ng accredited travel agencies ang ikokonsidera.

Subalit, tumatanggap pa rin ang embahada ng online visa application appointments, kung saan may available na bagong slots kada dalawang linggo. RNT/SA