RT-PCR test ‘di na kailangan sa Bora, Puerto Galera; fully vaxxed makapapasok

RT-PCR test ‘di na kailangan sa Bora, Puerto Galera; fully vaxxed makapapasok

February 2, 2022 @ 4:40 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Hindi na kakailanganin ng fully vaccinated travelers na magpresenta ng negatibong RT-PCR test upang makapasok sa Boracay at Puerto Galera.

Ito ang inisyu ni Aklan Governor Florencio Miraflores na executive kung saan pinapayagan na ang fully vaccinated tourists na makapasok sa probinsya kahit walang RT-PCR test simula ngayong araw.

Kakailanganin lamang magpresenta ng patunay na bakunado tulad ng VaxcertPH, locally-issued vaccination card, World Health Organization International Certificates of Vaccination and Prophylaxis, at vaccination cards o certificate na inisyu ng ibang bansa.

Para naman sa mga papasyal sa Puerto Galera, kailangan lamang ipresenta ang vaccination card at Safe, Swift and Smart Passage (S-PASS). RNT/FGDC