RT-PCR test sa pagtukoy ng monkeypox inihahanda na ng DOH

RT-PCR test sa pagtukoy ng monkeypox inihahanda na ng DOH

May 27, 2022 @ 5:48 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Nakikipag-ugnayan ang Department of Health (DOH) sa RITM at Philippine Genome Center para sa laboratory requirements na kakailangan para sa monitoring at surveillance ng monkeypox sa pamamagitan ng RT-PCR.

Sa usapin ng pagkuha ng anumang partikular na brand ng RT-PCR test para sa monkeypox, aasa ang DOH sa siyentipikong ebidensya upang gabayan ang mga desisyon nito para sa pagkuha.

“We will provide updates once substantive developments have occurred,” sinabi ng DOH sa media viber group.

Ang monkeypox ay iniulat nang may mga kaso sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Gayunman, wala pa namang naiuulat na kaso ng naturang nakakahawang sakit sa Pilipinas.

Maaalala na sinabi ni Health Undersecretary Abdullah Dumama Jr.,na nagpapatupad na ang bansa ng four-door strategy sa pagpapaigting ng border control nang sa gayon ay maiwasang makapasok sa bansa ang monkeypox virus. Jocelyn Tabangcura-Domenden