RTF-ELCAC sa CHR: 4 minors sa ‘Tinang 83’ imbestigahan

RTF-ELCAC sa CHR: 4 minors sa ‘Tinang 83’ imbestigahan

June 14, 2022 @ 4:36 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Hinikayat ng  Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) ang Commission on Human Rights (CHR) na imbestigahan ang presensiya ng apat na menor-de-edad na kasama sa inaresto sa Tarlac noong Hunyo 9.

Sa press conference, hinikayat ni Western Visayas RTF-ELCAC prosecutor Flosemer Chris Gonzales ang CHR na alamin kung sino ang nagdala sa  mga menor-de-edad sa  Concepcion.

“Dapat maimbestigahan kung anong ginagawa nila doon. At ‘yung dapat managot niyan, CHR, is ‘yung talagang nag imbita sa kanila doon na halata namang pang gugulo ‘yung puno’t dulo nitong ginawa niyong pagkilos,” anito.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni PRO3 Regional Director Police Brigadier Matthew Baccay  na 91  katao ang inisyal na inaretso.

Gayunman, pinakawalan din ang ilang dayuhan at apat na menor-de-edad.

“So do not only focus on, you know, the allegations against our police. But we should also look into the best interests nung mga bata… Alam ba nung mga magulang na hinila niyo ‘yung mga anak nila doon?” ayon kay Gonzales.

Sinabi pa ni  Gonzales  na dapat lang na tingnan at alamin ng  CHR ang sinasabing grupo na nag-organisa ng  assembly.

“Dahil ‘yung naapektuhan nito ‘yung mga farmers, ‘yung mga miyembro ng Tinang Multipurpose Cooperative,” anito.

“Sila din po ay mga marginalized at sila rin ay nawalan ng mga pananim na tubo dahil sa ginawa nitong mga nahuli ng ating kapulisan… mga biktima din po sila,” dagdag na pahayag ni Gonzales.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni NTF-ELCAC spokesperson Lorraine Badoy, nahaharap sa multiple raps dahil sa pagdawit sa ilang grupo at personalidad sa armed communist movement, na ang mga miyembro ng Karapatan ang nasa likod ng insidente.

“The CHR, if they’re very serious and sincere about getting to the bottom of this should investigate that, they should investigate our allegation that behind this is Pia Montalban of Karapatan that is a front of the CPP-NPA-NDF and who brought these children there,” ayon kay Badoy.

Samantala, pinabulaanan naman ni  Baccay ang alegasyon ng ‘physical and mental abuse’ at  inhumane conditions sa detention facility.

Sinabi ng  CHR  iniimbestigahan nila ang kaso at nagsisimula nang mangalap ng  impormasyon mula sa mga inarestong indibiduwal, magsasaka na naghain ng reklamo at  Philippine National Police Office personnel.

Sinabi ni Baccay  na pumalag ang mga magsasaka na maaretso at ang mga ito pa aniya ang nanakit sa mga pulis. Kris Jose