RTVM: SONA ni PDU30 mapanonood nang live, unedited

RTVM: SONA ni PDU30 mapanonood nang live, unedited

July 22, 2020 @ 1:22 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Ipalalabas ng live at hindi edited ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa Radio Television Malacañang (RTVM) nitong Miyerkoles.

Ito ay matapos ang ilang pangamba tungkol sa “editing out” ng ilang bahagi ng taped speech ng Pangulo, na napanood sa isa sa mga pahayag nito sa mga sundalo sa Sulu kung saan pinatatamaan ang ilang oligarch sa bansa.

“The event will be broadcasted live, streamed live on Facebook and Youtube,” ayon kay RTVM executive director Demic Pabalan sa SONA coverage briefing ng Kamara.

“Hindi edited, verbatim, kung ano ‘yung events na mangyayari, ilalabas ng RTVM,” dagdag pa nito.

Naunang ipinahayag ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na hindi papayagan sa loob ng Batasang Pambansa complex ang media sa SONA ng Pangulo sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Tanging Presidential Broadcast Staff-RTVM lamang ang papayagan sa Kamara upang mag-cover.

Ayon kay House Secretary General Jose Luis Montales, bagamat may ilang pag-aalala na maaaring hindi mai-ere o edited ang SONA ng Pangulo, desisyong hindi payagan ang mga miyembro ng media maliban sa RTVM, sa loob ng House complex, nananatili ito sa ngayon.

“I think so far that’s the decision and I see no reason for, at the moment, to reverse that decision. As Demic said, it will be broadcast live and it will be shown also in YouTube and Facebook so everyone can see naman,” saad niya. RNT/MM


  •  
  •  
  •  

Loading...