Ruby Rose bilang Batwoman, aabangan sa CW superhero universe

Ruby Rose bilang Batwoman, aabangan sa CW superhero universe

August 10, 2018 @ 8:52 AM 5 years ago


 

 

Manila, Philippines – Ibinigay sa aktres na si Ruby Rose ang karakter ni Batwoman sa ipapalabas na DC superhero crossover event pati na sa possibleng pilot nito sa series, ayon sa CW TV network.

Bukod pa rito, kinumpirma rin ng CW na ang bersyon ng karakter na aabangan sa Batwoman ay isang lesbian na may, “passion for social justice and a flair for speaking her mind.”

Siya rin ay “highly trained street fighter primed to snuff out the failing city’s criminal resurgence.”

Kilala si Rose sa mga manunuod ng American TV sa “Orange is the New Black” ng Netflix ngunit bago ito ay kilala na siya bilang model at host sa kaniyang bansa sa Australia.

Nauna rito, kinuha rin ng CW ang activist na si Nicole Maines bilang kauna-unahang trans superhero na nakatakdang lumabas sa series ng network na “Supergirl” sa susunod na season.

Nakatakdang umere ang superhero crossover event ng CW sa December. Remate News Team