Rufa Mae, nagbalik-showbiz, sinabihang laos na!

Rufa Mae, nagbalik-showbiz, sinabihang laos na!

April 18, 2022 @ 11:33 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Ilang panahon ding nasa Amerika si Rufa Mae Quinto with her husband Trevor Magallanes and daughter.

She had to return to the country dahil namatay ang kanyang kapatid.

Bagama’t hindi malinaw ang cause of death nito ay ibang sakit daw para sa sexy comedienne ang malagasan ng pogi’t mabait na kapatid.

Rufa Mae is also back to work as she joins Sparkle, GMA’s talent center.

However, her return to the fold is met by ambivalent reactions.

Ang iba’y natutuwa dahil na-miss nilang mapanood ang kakikayan ng aktres.

Still others don’t seem to be happy about it.

Dahil daw bumili ito ng bagong bahay, kailangan lang daw nitong magtrabaho para malagyan ito ng laman.

Ang iba nama’y nagsasabing hindi raw kinaya ni Rufa Mae ang lifestyle sa US kaya no choice but to work her butt.

Ang pinakamatindi ay ang comment na laos na raw siya, meaning, balewala rin daw ang pagbabalik niya.

Challenge ito kay Rufa Mae to prove her bashers wrong! Ronnie Carrasco III