Rufa Mae, tatakbong senador sa 2025!

Rufa Mae, tatakbong senador sa 2025!

June 8, 2022 @ 12:00 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Three years from now ay magkakaroon na naman ng senatorial elections.

Ang mga pumasok noon sa Top 12 will bid farewell to welcome the new batch.

At dito na raw balak pumasok ni Rufa Mae Quinto.

Yup, seryoso ang sexy comedienne nang sabihin niya sa kaharap na entertainment media ang tungkol sa pagpasok niya sa pulitika.

No other elective post kundi senador.

Aniya, nakuha niya ang inspirasyon nu’ng nakaraang kampanya.

She campaigned for Uniteam at kay Senator Manny Pacquiao.

Pero titiyakin daw niya muna kung kaninong ticket o partido siya aanib.

Under the new administration, puwede rin daw si Rufa Mae na maging bahagi ng gabinete.

Either tourism o DILG raw ang kagawaran na puwede siyang mapakinabangan.

Kunsabagay, libre lang ang mangarap. Ronnie Carrasco III