Rufa, napa-sana all sa nasawing Miss USA!

Rufa, napa-sana all sa nasawing Miss USA!

February 6, 2022 @ 10:00 AM 8 months ago


Manila, Philippines – “Rufa, gusto mo rin mamatay?”

Marami ang nagulat at nagtaka sa comment ni Rufa Mae Quinto sa pagkamatay ni Miss USA 2018 Cheslie Kryst.

“Sana all,” agarang comment ng comedian with heart emoji pa.

Umani ito ng iba’t-ibang replies from netizens pero bandang huli ay nalinawan ang lahat matapos aminin ni Rufa ang pagkakamali at humingi ng sorry.

Paliwanag nito, ang “Sana all” ay para sa kagandahan at ka-sexy-han ni Cheslie. Aminado rin siya na hindi niya binasa ng buo ang caption at huli na nang malaman na ang balita ay tungkol sa death ng beauty queen.

“Sensya na po. My deepest sympathy to her family. Napakaganda at sexy kaya nasabi ko na sana all ganiyan ka-perfect. Nabilib kasi ako sa ganda and sexiness, nabitin lang po sa text and yes hindi ko nabasa buong caption. Hanggang Miss USA lang nabasa ko so yes, read more nga,” buong paliwanag ni Rufa sa comments section.

Marami naman ang natuwa at nagsabing, “Lahat naman po nagkakamali pero sana all inaamin ang pagkakamali like you.”

Oo nga, noh? Sana all. Paula Jonabelle Ignacio