Ruffa, bistado na kay Herbert, nangangamoy kasalan na?

Ruffa, bistado na kay Herbert, nangangamoy kasalan na?

February 28, 2023 @ 9:15 AM 4 weeks ago


Manila, Philippines-Kumbaga, nasukol na’y ayaw pa ring pahuli nang buhay!

Ganito kung ilarawan ng mga netizen si Ruffa Gutierrez nang umaming there’s someone who inspires her na idine-date niya ngayon.

Sa vlog interview sa kanya ni Dra. Vick Belo, tinanong ng huli ang aktres kung may letrang H sa pangalan nito.

Without dropping names, obyus na ang tinutumbok ng lady doctor ay walang iba kundi si Herbert Bautista.

Um-oo naman si Ruffa saying that if it were not for that guy with an H in his name, she wouldn’t have finished her college.

Gumradweyt na si Ruffa sa kursong Mass Communication sa Philippine Women’s University and is taking up her master’s degree at the same school.

Pero hangga’t maaari raw ay gusto niyang isapribado ang kanyang lovelife.

Marami naman ang nagtataka kung bakit inililihim pa niya ang namamagitan sa kanila ng aktor at dating pulitiko to think na obyus namang nag-level up na ang kanilang closeness.

After all, wala nang commitment si Ruffa kahit kanino.

Kumbaga, naungkat lang lately ang tungkol sa dati niyang French-Israeli boyfriend na si Jordan Mouyal.

Balita kasing pagkatapos ng kanilang seven-year relationship, natuklasan ni Ruffa na sinalo raw ito ng kanyang best friend.

Ruffa, however, wouldn’t name kung sino ang kaibigan niyang ‘yon o kung taga-showbiz din.

At first daw ay nagalit siya dahil pakiramdam niya’y betrayal of trust ang ginawa ng kaibigan.

Inamin ni Ruffa na sinapian siya ng giyererang ina na si Annabelle Rama.
Pero napagtanto rin niyang it was nobody’s fault.

She simply had to junk Jordan as she felt their relationship wasn’t going anywhere.
Ruffa was not also growing as a person either.

Looking back, inisip na lang daw niya “that something is waiting for me, someone is waiting for me.”

At si Herbert nga ba ‘yon?

Ayon naman kay Ruffa: “Only God knows kung magkakatuluyan kami ni Herbert or not in the future.”

So, nangangamoy kasalan na ito? Ronnie Carrasco III