Ruffa, master sa dedma!

Ruffa, master sa dedma!

December 26, 2022 @ 5:15 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Ruffa Gutierrez ang larawan niya kasama ang Mhies on a Mission co-hosts na sina Mariel Padilla, Toni Gonzaga at Ciara Sotto.

Nag-imbita pa siyang panoorin ang kanilang show sa AllTV at abangan ang napapanahong topic nila: The art of dedma.

May caption itong: “Behind every successful person lies a pack of haters. My advice: Practice the art of deadma. Catch today’s topic on @mhiesonamission with multimedia star @celestinegonzaga. Your new morning habit mga mhies!! “

Hirit naman ng kibitzers, masasabing authority daw sa ganitong usapin ang apat na hosts ng nasabing programa na hindi apektado sa bashings na natatanggap nila mula sa netizens sa social media.

Mula kasi nang gampanan ni Ruffa ang papel ng First Lady Imelda Romualdez Marcos sa Maid in Malacanang at sa upcoming sequel nito ay hindi na siya tinantanan ng bashers dahil sa pag-aakusa sa kanya bilang enabler ng nabanggit na political clan from Ilocos.

Si Toni naman ay nananatiling unbothered sa mga batikos na natatanggap sa kanyang detractors dahil sa kanyang political leanings.

Sina Mariel at Ciara naman ay tipong napaka-transparent at prangka sa kanilang mga saloobin at keber sila kahit na maakusahang taklesa.

Ito naman ang komento ng netizens sa post ni Ruffa.

“You are right Beautiful Ruffa. I’ll practice the art of deadma.Thank you”

“Just have to say this I don’t have a problem with Toni very respectful and cautious with her words.I hope the sister will learn from her. Iba kasi ang dating ng sister. Ang lakas ng dating.”

“Practice the art of plastikan too.”

“Na-master na nina Ruffa at Toni ang art of dedma.”

“Learn a new lesson from dedmatology experts. Hahaha.”

“Successful at maganda sila kaya mamatay sa inggit ang bashers. Hahaha.” Archie Liao