Ruffa, nagpasaring kay Kris?

Ruffa, nagpasaring kay Kris?

March 25, 2022 @ 10:00 AM 3 months ago


Manila, Philippines – Give-away ang post ni Ruffa Gutierrez sa social media na obyus na patungkol kay Kris Aquino.

Ayon sa dating beauty queen, “

Good morning, beautiful people. Be kind to everyone including your ex.”

Wala mang binanggit kung sino, halatang depensa ‘yon ni Ruffa sa kanyang rumored boyfriend na si dating Quezon City Mayor at senatorial aspirant na si Herbert Bautista.

Nauna rito, idinaan sa “blind item” ni Kris ang kanyang panawagan na huwag iboto ang isa sa mga tumatakbong senador sa Uniteam.

Katwiran ni Kris who came as a surprise guest at the Leni-Kiko rally in Capas, Tarlac, hindi raw marunong tumupad sa pangako ang kanyang pinatutungkulan.

Dating nobyo ni Kris si Herbert na napapabalitang nobyo ngayon ni Ruffa.

To this day, hindi pa lumalantad bilang couple sina Herbert at Ruffa.

Meanwhile, suportado naman ni Ruffa at ng pamilya nito ang kabdidatura ni Herbert.

Mukhang may naaamoy kaming girian sa pagitan nina Kris at Ruffa over Herbert.

Ano naman kaya ang kontra sagot ni Kris sa patutsada ni Ruffa?

Knowing her, she won’t take it sitting down! Ronnie Carrasco III