Ruffa, payag nang makita ni Ylmaz ang mga anak!

Ruffa, payag nang makita ni Ylmaz ang mga anak!

April 30, 2022 @ 2:57 PM 2 months ago


Manila, Philippines – May dahilan naman pala kung bakit hindi pinayagan noon ni Ruffa Gutierrez ang kanyang dalawang anak na pumunta sa Istanbul to see their dad.

Dahil mga bata pa lang daw noon sina Lorin at Venice, takot siyang baka makidnap ang mga ito ‘pag bumisita sa amang si Ylmas Bektas.

At present, 19 years old na si Lorin at 17 taong gulang naman  si Venice.

Of the two ay tanging si Venice pa lang ang may komunikasyon sa ama.

Ylmas wanted to talk to Venice na napanaginipan daw niya.

Pero ramdam daw ni Ruffa na naroon pa rin ang sakit na nararamdaman ng anak para sa ama.

Nag-break down kasi ito nang kumustahin ni Lorin.

Tila nakatanggap pa ng panunumbat si Ylmas mula sa anak for his unfulfilled promises.

Ipinaliwanag naman daw ni Ylmas na hindi siya maaaring pumunta sa Pilipinas at sa halip ay ang mga anak ang pupunta roon.

As for Ruffa, okey na raw niyang payagan ang mga ito to reunite with their dad.

Sa kaso naman ni Lorin, she has yet to patch up her differences with her dad.

Pero naniniwala si Lorin na in time ay magkakasundo rin sila. Ronnie Carrasco III