Ruffa, pinagseselos ni Ylmas?

Ruffa, pinagseselos ni Ylmas?

July 17, 2022 @ 1:04 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Malakas ang radar ni Ruffa Gutierrez na pinagseselos siya ng dating Turkish husband na si Ylmas Bektas.

Paano naman daw kasi, ilang beses na raw nitong sinasabing engaged na ito sa ibang babae.

Muslim si Ylmas, at sa ilalim ng kanilang batas ay maaari itong mag-asawa nang higit isang beses.

Nagtataka raw si Ruffa dahil ikasampung beses na raw niyang naringgan ang dating asawa na engaged na.

“Ewan baka pinagseselos lang niya ako,” sey ng aktres.

Taong 2003 nang ikasal ang dalawa, pero nagkahiwalay rin four years later.

Ang claim ni Ruffa, battered wife daw kasi siya.

But in too short a time ay nabiyayaan sila ng dalawang anak, sina Lorin (18) at Venice (17).

Kamakailan nga’y nagtungo sina Lorin at Venice sa Turkey to reunite with their father.

Labinglimang taon din silang hindi nagkita.

Granting na pinagseselos ni Ylmas si Ruffa, hindi kaya gusto nitong makipagbalikan sa kanya?

Ani Ruffa, bagama’t napatawad na raw niya ito, “Walang return of the comeback na mangyayari.”

Sa tanong kung hindi ba siya worried na wala siyang karelasyon sa ngayon para makatuwang sa buhay, ani Ruffa: “I know I’ll never end up alone.” Ronnie Carrasco III