Ruffa, pinasilip ang Imelda Marcos-look!

Ruffa, pinasilip ang Imelda Marcos-look!

July 2, 2022 @ 1:37 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Public knowledge na isang alahera si Annabelle Rama.

She sells quality jewelry on the side bukod sa pagma-manage ng career ng mga anak.

Like any other business, may downside din ito.

May mga kliyente si Annabelle na hindi siya binabayaran kaya mas gusto niyang isuot na lang ang mga tindang alahas.

Bukod sa kanya mismo, ipinagamit din ni Annabelle ang mga alahas na ‘yon sa anak niyang si Ruffa Gutierrez para sa role nito bilang Imelda Marcos.

Ipinasilip nga ni Ruffa ang kanyang Imelda look na nilakipan niya ng caption na: “I’m a soldier of beauty” quoting the former First Lady herself.

Umani tuloy ng positive comments ang plakadong itsurang ‘yon.

“Ganda!” sey ni Aiko Melendez. “Perfect!” sey naman ni Mariel Rodriguez. “Excited for this!” sey naman ng hipag niyang si Sarah Lahbati.

Even Ruffa’s brother Raymond commented, “On point!”

Mataas tuloy ang expectations ng mga manonood ng Maid in Malacanang mula sa direksyon ni Darryl Yap.

Pumasa kaya si Ruffa? Ronnie Carrasco III