‘Run, Sara, Run’ tarps ‘di paglabag – Comelec

‘Run, Sara, Run’ tarps ‘di paglabag – Comelec

February 18, 2021 @ 11:34 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – “Advertisements or posters of potential candidates are not violations because it is not election period. Will revisit the rules @COMELEC.”

Ito ang naging komento ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon, Miyerkoles ukol sa mga nagsusulputang mga tarpolin kung saan nakasaad ang ‘Run, Sara, Run’ sa Davao City maging sa Metro Manila.

Sinabi rin ni Comelec spokesperson James Jimenez na kahit nagpo-promote ng isang posibleng kandidato ang nasabing tarpolin, ay maaring hindi ito sasapat sa legal definition ng pangangampanya.

“Those tarpaulins do seek to promote the electoral win of Mayor (Sara) Duterte, but she herself isn’t a candidate yet. This means that although many would consider it a form of campaigning, it would actually fall short of the legal definition of campaigning, let along premature campaigning,” ani Jimenez sa mga reporter.

“Therefore, there appears to be no violation of election laws or campaign rules. Anyone, in fact, can do the same thing,” dagdag pa ng tagapagsalita ng Comelec.

Sa Pebrero 8 hanggang Mayo 7, 2022 pa magsisimula ang campaign period para sa May 9, 2022 polls.

Nauna nang pinasalamatan ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang mga susmusuporta at nagtutulak sa kanya para maging Presidente pero sinabi niya sa 2034 pa siya tatakbo sa pagkapangulo at gagawin niya lang ito kung ieendorso siya ng oposisyon.

“I understand where they are coming from. I, too, am anxious where we are going as a nation. I am always grateful that I have their trust and confidence. I am pleading to them to please allow me to run for President in 2034, if at that time there is something I can do to help the country,” ayon sa alklade. RNT