Ruru at Bianca, engaged na?

Ruru at Bianca, engaged na?

October 25, 2022 @ 6:28 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Nagbubunyi ang mga tagasuporta ng real-life sweethearts na sina Bianca Umali at Ruru Madrid dahil sa nakakaintriga nilang larawan sa Instagram nitong October 24, Lunes.

In what appears to be a picture taken at an al fresco resto, makikita sa litrato ang kamay ni Bianca na hawak-hawak ni Ruru.

But all the more eye-catching ay ang diamond ring sa daliri ng Kapuso actress.

Nilakipan ni Bianca ang nasabing photo with the caption: “I found the right one.”

Hindi nagpakabog si Ruru who posted on Instagram a picture of Bianca using the same caption.

Ikinakilig ito ni Kim Atienza at iba pang celebrities tulad nina Chynna Ortaleza, Darren Espanto at Kyline Alcantara.

Ang mga netizens naman were quick to conclude na engagement photo raw ‘yon.

Matatandaang nito lang August nang aminin ni Ruru sa panayam ni Jessica Soho ang relasyon nila ni Bianca.

Ayon kay Ruru, he and Bianca have been going steady for four years now.

Kung engaged na nga ang dalawa, ang susunod na aabangan ay ang petsa ng kanilang altar date.

Obvious naman na sa kanilang “I found the one!” caption ay natagpuan nila ang kanilang life partners in themselves. Ronnie Carrasco III