Ruru, bet jowain si Hipon; Bianca, nagselos, nagwala!

Ruru, bet jowain si Hipon; Bianca, nagselos, nagwala!

July 11, 2022 @ 7:15 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Kuwela ang Jojowain o Totropahin challenge na sinalangan nina Ruru Madrid at Buboy Villar.

Ang setting: sa puwesto ng pares na negosyo ni Buboy.

Bumisita si Ruru kay Buboy at sumalang nga sila sa naturang challenge habang nilalantakan ang pares.

Bumida si Ruru in terms of his choices ng mga gustong dyowain sa showbiz.

Lumabas ang pangalan ni Glaiza de Castro na para kay Ruru ay total package daw.

Multi-talented daw kasi si Glaiza.

Next in line para sa bida ng Lolong ay si Kylie Padilla na nakatambal niya noon sa Encantadia.

Bet din ni Ruru si GMA Primetime Queen na si Marian Rivera, kaso happily married na ito.

Kursunada rin pala ni Ruru si Herlene Budol a.k.a. Hipon Girl.

Ang hindi alam ni Buboy, all along pala ay naroon din sa puwesto niya si Bianca Umali.

Obyus na nagselos ito, dahilan ng kanyang pagwawala.

Imbiyerna si Bianca sa nobyo dahil lahat na lang daw ay type nitong patusin.

Na-guilty naman si Buboy na panay hingi ng dispensa.

Nahimasmasan lang ito nang sabihin nina Ruru at Bianca na prank lang ‘yon.

Pero teka, seryoso ba si Ruru nang ibulgar ang mga bet niyang dyowain? Ronnie Carrasco III