Ruru, binansagang new King of GMA; Alden fans, pumalag!

Ruru, binansagang new King of GMA; Alden fans, pumalag!

January 20, 2023 @ 2:21 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines – What’s in a title?

Para sa mga fans ng sinumang artista, it means the world to them.

Take the case of the millions of loyal followers of Alden Richards.

Alam nating lahat how Alden is called.

Pinalagan kasi ng kanyang mga tagahanga ang bansag kay Ruru Madrid as the “new King of GMA.”

As far as Alden’s fans are concerned, sa kanilang idolo raw nababagay ang nasabing idolo.

Kung si Ruru naman ang tatanungin, bagama’t flattering na matawag nang ganu’n ay masyado pang maaga to be bestowed with such a title.

In fairness, Ruru acknowledges the fact na marami pa siyang dapat i-accomplish. And he’s no in a hurry.

Nakakailang projects pa lang naman siya sa GMA.

After Lolong na pinagbidahan niya, sinundan ito ng Running Man.

At ang latest nga ay ‘yung first ever teamup nila ng real-life girlfriend niyang si Bianca Umali, ang The Write One.

Walang dapat ikabahala ang mga Aldub fans dahil mismong ang idolo nila ay hindi bothered or insecure kay Ruru.

In fact, knowing Alden ay tiyak na masaya siya for Ruru whose TV career is going great guns.

Sila-sila pa bang mga Kapuso artists ang magbabangayan over a title?

Aren’t they supposed to be happy for each other’s achievements?

Eh, ano naman kung si Ruru ang the new King of GMA: isn’t he the right one?

Meron pa bang iba? Ronnie Carrasco III