Ruru, dumulog sa NBI; basher ni Bianca pina-hunting!

Ruru, dumulog sa NBI; basher ni Bianca pina-hunting!

June 27, 2022 @ 10:50 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Kung siya lang sana ang target ng mga basher ay walang problema sa Lolong star na si Ruru Madrid.

But never prey on people close to him lalo pa’t kung babae.

Ganito kumilos si Ruru nang hindi na makapagtimpi sa mga basher ng rumored girlfriend niyang si Bianca Umali.

Umabot si Ruru sa puntong inisip niya na ganoon na raw ba kasama ang ilang tao na kung mam-bash ng kapwa ay ganoon na lang.

Partikular na inalmahan ng 24 anyos na aktor ang palabasing sobrang payat ni Bianca sa mga litrato na in-upload sa social media.

Kesyo inaraw-araw raw ni Ruru ang dalaga kaya pumayat.

Walang ibang recourse si Ruru kundi idulog sa National Bureau of Investigation ang kaso in chqrge of cyber crimes.

Nagkataong may tiyuhin pala si Ruru sa nasabing ahensiya.

At madaling na-trace ang pagkakakilanlan ng basher.

Hindi na nagsampa ng kaukulang kaso si Ruru laban sa basher.

Pero giit niya, lagi niyang ipagtatanggol ang mga babaeng malapit sa kanya laban sa mapang-abusong practice na ito sa social media.

“Hindi na baleng ako ang tirahin nila, huwag lang ang mga babaeng malapit sa puso ko.” Ronnie Carrasco III