Ruru, may hugot sa french fries!

Ruru, may hugot sa french fries!

September 11, 2022 @ 10:47 AM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Alam n’yo bang may significance ang french fries sa buhay ni Ruru Madrid?

Kuwento niya sa vlog interview ni Toni Gonzaga, humihiram lang daw ng motor at helmet ang tatay niya pag sumisipot siya sa mga auditions.

One time, on the way sa auditions ay tamang-tama namang may drive-through silang nadaanan.

Nagkataong kumakalam daw ang  sikmura ni Ruru.

Kaso, pagtingin daw ng tatay niya sa wallet nito’y kulang ang pera nito pambili ng french fries.

Nasabi na lang daw ni Ruru na hindi na mauulit ‘yon.

Hindi na rin daw niya hahayaang makandado uli ang inuupahang bahay dahil wala silang pambayad.

Pangako niya sa sarili, hindi na rin daw sasala ang kanyang pamilya sa oras ng pagkain.

‘Yun daw ang nagsilbing dahilan ng pagsusumikap ni Ruru.

Utang daw ng Lolong star ang pinagdaanang hirap kung anuman daw ang naabot niya.

Funny but true, ang bida naman sa kalabang programang Lolong na si Jane de Leon ay may kuwento rin ng kahirapan.

Gawin talagang publicity slant ang kanilang abang kalagayan noon…? Ronnie Carrasco III