Ruru, nabuking si Bianca!

Ruru, nabuking si Bianca!

December 9, 2022 @ 4:30 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Naging birthday gift na ni Ruru Madrid sa sarili ang kanyang screen test para sa next project na The Write One na mapapanood sa GMA-7.

“Excited po ako, dahil after four years ng relasyon namin ni BIanca (Umali ), first time lamang naming magtatambal sa isang teleserye,” pahayag ni Ruru sa Chika Minute ng 24 Oras.

“It was refreshing, ngayon pa lamang nag-sink in sa akin na finally we will be working together,” say naman ni Bianca.

“Nakakatuwa dahil nakita ko ang ibang side ni Bianca, ngayong magkatrabaho na kami, nakita ko kung paano magtrabaho si Bianca, alam ko na marami akong matututunan sa kanya.

“Sa unang eksena namin sa screen test na napakahaba, parang nag-taping ako nang isang araw, very challenging, iba talaga, diin na diin, napakahusay niya, ang galing niyang umarte, tiyak marami akong matututunan sa kanya,” sabi ni Ruru.

“Ako naman po, I`m preparing myself, more mentally, professionally, we are lovers sa story,” dagdag ni Bianca.

At tulad ng aming inaasahan ay hindi mawawala ang negative comment ng ilang Marites na kesyo wala raw dating sa isang teleserye kapag alam ng lahat na mag-jowa na ang lead star ng isang serye. Gerry Ocampo