Ruru, sinabihang masyadong matanda para kay Bianca, rumesbak!

Ruru, sinabihang masyadong matanda para kay Bianca, rumesbak!

February 24, 2023 @ 12:40 PM 1 month ago


Manila, Philippines – May natawa sa naging sagot ni Ruru Madrid sa isang netizen na nag-comment ng, “Di bagay sobrang bata ni Bianca.” Ito ay sa post ng actor ng larawan nila ng girlfriend na kuha sa taping ng The Write One.

Hirit pa ng netizen, “Di yan magtatagal, pramis,” na ang tinutukoy ay ang relasyon nina Ruru at Bianca.

Sinagot ni Ruru ang netizen na concerned sa age gap nila ni Bianca, “Boss, pabili ako ampalaya.”

Ngunit ayaw talaga magpapigil ang netizen at sinagot si Ruru ng, “Puwede rin.”

Nag-react ang mga fans nina Ruru at BIanca sa netizen na ayaw magpapigil at tiniyak na hanggang diyan na lang daw `yan, na hindi malinaw ang ibig sabihin.

Pinagtanggol naman sila ng mga fans sa pagsabing hindi naman magtatagal ang dalawa kung hindi sila seryoso sa kanilang relasyon at kung hindi nila talaga mahal ang isa`t-isa.

Kung pag-uusapan at pagtatalunan ang edad, 25 years old na si Ruru samantalang turning 23 years old si Bianca sa March 2. May ibang couples na mas malayo ang age gap, yun na lang daw ang pagkaabalahan ng netizen.

Kaya siguro napagkamalan o nasabi ng netizen na masyadong bata si Bianca kay Ruru ay dahil sa photos.

Sa larawan kasi ay batang tingnan ang actress dahil sa suot na ibinigay sa mga character nila ni Ruru sa The Write One bilang sina Liam at Joyce.

Noong Valentine`s Day ay nasa taping sina Bianca at Ruru kaya hindi sila nakapagplano ng date. Kaya sa set na lang daw sila nag-celebrate.

Nag-trending sa social media ang kissing scene nina Ruru at Bianca at excited sila dahil marami raw ang makaka-relate sa character nila na sina Liam at Joyce. Gerry Ocampo