Russell Westbrook lilipat sa Clippers matapos i-waive ng Jazz

Russell Westbrook lilipat sa Clippers matapos i-waive ng Jazz

February 21, 2023 @ 1:45 PM 1 month ago


LOS ANGELES — Matapos i-waive ng Utah Jazz,  ang siyam na beses na All-Star na si Russell Westbrook ay inaasahang pipirma sa Los Angeles Clippers, ayon sa isang nai-publish na ulat.

Nakuha ng Jazz ang 34-anyos na guwardiya mula sa Los Angeles Lakers noong Peb. 10. Nag-average siya ng 15.9 puntos, 7.4 rebounds at 7.1 assists sa loob ng 28.7 minuto bawat laro sa isang mahirap na panunungkulan sa Lakers.

Iniulat ng ESPN na sinabi ng ahente ni Westbrook na si Jeff Schwartz ng Excel Sports, sa outlet na pipirma siya sa Clippers pagkatapos makumpleto ang isang contract buyout sa natitirang $47 milyon na utang niya sa kanyang magtatapos na deal.

Hindi kaagad tumugon si Schwartz sa mga mensahe at wala ring komento ang Clippers.

Sa paglipat, muling makakasama ni Westbrook si Paul George, ang kanyang dating kasamahan sa Oklahoma City at mananatili ito sa Los Angeles.

Si George ay nag-lobby kamakailan para sa Clippers na mapunta si Westbrook, na nanalo ng MVP noong 2017 kasama ang Thunder.

“I’m a big believer and a fan of what Russ’ work is, having one of my best seasons in my career alongside of him. Nakita ko kung ano ang kaya niyang gawin gabi-gabi,” sabi ni George. “I really think he can improve the team. He’s such a big talent. He rebounds, he finds guys, he makes the game easy for everyone. I think he will come in, he will mesh and he’ll figure out how we play at mag-aadjust siya dito.”

Sasali si Westbrook sa isang koponan ng Clippers na ikaapat sa Western Conference sa 33-28 mula sa All-Star break.

Ipinagpalit ng Lakers si Westbrook at isang 2027 first-round draft pick sa Jazz bilang bahagi ng isang three-team deal.JC