Russia binuksan para sa refugees

Russia binuksan para sa refugees

March 8, 2022 @ 9:08 AM 4 months ago


Russia – Iniutos na ng Department of Foreign Affairs ang sapilitang pagbabakwit ng mga Pilipino na naiipit sa mabagsik sa digmaan sa Ukraine.

Kaugnay nito, inialok na mismo ni Russia President Vladimir Putin ang sarili nitong teritoryo at Russian Federation na pupwedeng puntahan ng mga refugee, kasabay ng pag-aalok ng ceasefire sa Ukraine sa limang lungsod.

Pupwedeng tumawid at daraan sa bansang Belarus  o kaya’y diretso sa teritoryo ng Russia ang mga refugee mula sa mga lungsod ng Kyiv, Chernihiv, Sumy, Kharkiv and Mariupol.

Kung ano-ano naman ang mga paraan ng pagbabakwit, hindi naman malinaw subalit sinabi ni DFA Secretary na personal siyang mamumuno rito matiyak lang na maging ligtas ang lahat ng Pilipino sa nasabing bansa.

Sa gitna nito, wala namang nakatitiyak kung ilan talaga ang mga Pilipino sa Ukraine dahil may mga ulat na iilang daan lamang ang mga ito subalit sa ibang mga ulat, may mahigit 2,000 lahat.

Magkagayunman, may mga nakalabas na sa Ukraine at ang ilan dito ay nakabalik na sa Pilipinas habang nanatili sa ibang bansa ang ayaw umuwi ng Pilipinas. RNT