Russia handang tumulong vs food crisis pero…

Russia handang tumulong vs food crisis pero…

May 27, 2022 @ 11:24 AM 4 weeks ago


RUSSIA – Handa ang Moscow na gumawa ng “makabuluhang kontribusyon” para maiwasan ang nagbabantang krisis sa pagkain.

Pero ito ay kung tatanggalin ng Kanlurang bansa ang mga parusang ipinataw sa Russia bunsod ng pakikidigma nito sa Ukraine, sinabi ni Pangulong Vladimir Putin sa isang tawag sa telepono kasama ang Punong Ministro ng Italya na si Mario Draghi.

“Vladimir Putin emphasizes that the Russian Federation is ready to make a significant contribution to overcoming the food crisis through the export of grain and fertilizer, subject to the lifting of politically motivated restrictions by the West,” anang Kremlin.

Idinagdag nito na nagsalita din si Putin tungkol sa “steps taken to ensure safety of navigation, including the daily opening of humanitarian corridors for the exit of civilian ships from the ports of the Azov and Black Sea, which is impeded by the Ukrainian side”.

Inilarawan din ni Putin bilang “walang batayan” na mga akusasyon na ang Russia ang may kasalanan sa mga problema sa mga suplay ng pagkain sa pandaigdigang merkado.

Ang isang pahayag mula sa gobyerno ng Italya ay nagsabi na “the call was dedicated to developments in Ukraine and efforts to find a common solution to the ongoing food crisis, as well as the severe repercussions for the world’s poorest countries”. RNT