Russia pababagsakin lahat ng eroplanong ibibigay sa Ukraine; MQ-9 Reaper drone natagpuan na ng Russian navy

Russia pababagsakin lahat ng eroplanong ibibigay sa Ukraine; MQ-9 Reaper drone natagpuan na ng Russian navy

March 18, 2023 @ 10:00 AM 3 days ago


MANILA, Philippines- Inihayag ng Russia na pababagsakin nito lahat ng eroplanong ibibigay ng ibang bansa sa Ukraine bilang tulong militar dito laban sa Russia.

Ginawa ang pahayag makaraang mangako ang Poland at Slovakia na bibigyan nila ang Ukraine ng mga fighter at bomber plane na gawa mismo ng Russia gaya ng MIG 29 na kayang gamitin agad ng mga pilotong Ukrainian.

Nire-repair na ng Poland at Slovakia ang mga nasabing eroplano dahil na matagal nang hindi nagagamit sa kalumaan subalit makatutulong umano sa Ukraine sa mga operasyon nito laban sa Russia.

Bantulot naman ang ibang mga bansa, lalo na ang United States, na bigyan ng mga makabagong jet gaya ng F-16 at F-35 ang Ukraine dahil bukod sa nangangailagan ang mga ito ng matagal na training, may pangambang lalawak pa ang digmaan at maaaring magkadamay-damay na ang mga bansa.

Nagaganap ito makaraang pabagsakin ng Russia Black Sea ang malaking drone na ginagamit ng US para espiyahan ang lahat ng puwesto at galaw ng Russian military.

Bumagsak ang MQ-9 Reaper na may kakayahang mag-espiya at magpakawala ng missile o bomba.

May pakpak itong 60 piye, tangkad na halos 4 metro, bilis na 480 kilometro kada oras,, kayang magkarga at magpakawala 3,800 na bala, bomba at missile, kayang magtagal sa kalangitan ng 30 oras at makalilipad ng layong 1,850 kilometro halos distansya sa pagitan ng Aparri, Cagayan at Davao City sa Pilipinas.

Sa ngayon, nahanap na ng Russian Navy at special purpose vehicle ang drone na natagpuan malapit sa pier ng Sevastopol at may lalim na nasa 3,000 pie o 850-900 metro.

Gayunman, sinabi ng US military na sinira na nila lahat ang mga mapakikinabang sa drone at wala nang silbi iti sa sinomang makakukuha nito. RNT