Russia pasok sa human trafficking, child soldier lists ng US

Russia pasok sa human trafficking, child soldier lists ng US

July 20, 2022 @ 9:42 AM 4 weeks ago


USA-Inilagay ng United States  ang Russia sa mga listahan ng mga bansang sangkot sa isang “patakaran o pattern” ng human trafficking at force labor sa anyo ng armed o security forces na suportado ng gobyero na kinasasangkutan ng mga batang sundalo.

Ang listahan ay itinampok ng Estate Department sa taunang ulat nito ukol sa human trafficking kung saan kauna-unahan din lumabas ang kategoryang “Sponsored-Sponsored Trafficking in Persons”.

Madalas lumitaw ang Russia sa buong ulat dahil sa pagsalakay nito noong Pebrero 24 sa Ukraine.

“Millions of Ukrainians have had to flee their homes…some leaving the country altogether, most with just what they were able to carry,” ani Secretary of State Antony Blinken sa isang seremonya kung saan ipirnisinta ang listahan. “That makes them highly vulnerable to exploitation.”

Ang embahada ng Russia sa Washington ay hindi agad nagkomento sa nasabing listahan.

Sinabi ni Blinken na sa kasalukuyan ay may halos 25 milyong biktima ng trafficking sa buong mundo.

Bilang karagdagan sa Russia, ang bagong seksyon ng mga sponsor ng estado ay naglista ng Afghanistan, Burma, Cuba, Iran, North Korea, at limang iba pang mga bansa na may “dokumentadong ‘patakaran o pattern’ ng human trafficking.”

Ang ulat ay naglalaman ng isang hiwalay na listahan ng 12 mga bansa na nagtatrabaho o nagre-recruit ng mga batang sundalo na kinabibilangan ng Russia at ilang mga kasama sa bagong seksyon ng mga sponsor ng estado. RNT