Russia sinupalpal ang Saudi Arabia sa 2018 FIFA World Cup

Russia sinupalpal ang Saudi Arabia sa 2018 FIFA World Cup

June 15, 2018 @ 12:21 PM 4 years ago


Moscow — Five goals! Hindi binigo ng Team Russia si President Vladimir Putin na nanood mismo ng kanilang laro sa kanilang sunod-sunod na pagsupalpal sa Saudi Arabia sa kanilang opening match sa World Cup.

Unang nakalampas ang bola ng substitute na si Denis Cheryshev sa dalawang Saudi defender sa 43rd minute ng laro at tuluyang nilito ang goalkeeper na si Abdullah Al Muaiouf.

Sinundan naman ito ng dalawa pang smash mula kay Artyom Dzyuba para sa 3-0 na lamang kontra sa Saudi Arabia.

Hindi naman nagpahinga si Cheryshev at umiskor muli para sa pang-apat.

Tinapos ni Yuri Gazinsky at inulo naman ni Alexander Golovin ang laban sa huling 12 minuto ng laro.

Ito ang kauna-unahang panalo ng Russia sa World Cup simula pa noong taong 2002. (Remate News Team)