Russia-Ukraine conflict, ‘di military ops, kundi giyera’ – Santo Papa

Russia-Ukraine conflict, ‘di military ops, kundi giyera’ – Santo Papa

March 7, 2022 @ 1:27 PM 4 months ago


VATICAN CITY — Tinaggihan ni Pope Francis ang paninindigan ng Russia na nagsasagawa ito ng “espesyal na operasyong militar” sa Ukraine, at sinabing ang bansa ay pinaparusahan ng digmaan.

“In Ukraine rivers of blood and tears are flowing. This is not just a military operation but a war which sows death, destruction and misery,” sinabi ng Santo Papa sa kanyang lingguhang mensahe sa mga nagtipun-tipon sa St. Peter’s Square.

Gayunpaman, tulad ng nangyari sa buong 11-araw na labanan, ang papa ay hindi hayagang kinondena ang Russia para sa pagsalakay nito.

Sa halip, inulit niya ang kanyang apela para sa kapayapaan, ang paglikha ng mga humanitarian corridors at ang pagbabalik sa negosasyon.

“In that martyred country the need for humanitarian assistance is growing by the hour,”

“Let common sense prevail, let us return to the respect of international law.” sabi pa ng Santo Papa.

Tinatawag ng Russia ang mga aksyon nito sa Ukraine na isang “espesyal na operasyon” hindi isang digmaan at sinasabing hindi ito idinisenyo upang sakupin ang teritoryo ngunit upang sirain ang mga kakayahan ng militar ng kapitbahay nito sa timog at makuha ang itinuturing nitong mapanganib na mga nasyonalista.

Maraming tao ang nagtipon sa harap ng St. Peter’s Basilica para sa pagpapakita ng Santo Papa sa Linggo, kasama ang ilan na may hawak na mga multi-colored peace flag pati na rin ang asul at dilaw na bandila ng Ukraine.

“The Holy See is willing to do all everything to put itself at the service of peace,” ayon pa kay Papa at idinagdag. na dalawang Roman Catholic cardinals ang nagtungo sa Ukraine upang tumulong sa mga nangangailangan

“War is madness, please stop,” sabi ng Santo Papa.

Pinuri ni Andriy Yurash, ambassador ng Ukraine sa Vatican, ang papa sa panawagan nito hinggil ng digmaan.

“I am very, very happy that he said that,” ani Yurash sa Reuters sa St. Peter’s Square .

“Even if the pope did not say the word ‘Russia’, everyone in the world knows who the aggressor that invaded us is and who started this unprovoked war,” wika ni Yurash .Jocelyn Tabangcura-Domenden