Russia-Ukraine talks itinutulak ng Tsina

Russia-Ukraine talks itinutulak ng Tsina

February 25, 2023 @ 4:36 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nanawagan ang China nitong Biyernes ng peace talks sa inihayag nitong planong pagwawakas ng giyera sa Ukraine, subalit nagbabala ang Western powers laban sa lumalalim na ugnayan ng Beijing sa Moscow.

Ikinatuwa naman ito ng United Nations, partikular ang panawagan na iwasang gumamit ng nuclear weapons.

Positibo naman ang naging tugon dito ng Russia habang nag-alok si Ukrainian President Volodymyr Zelensky ng “muted response”, at sinabing kailangang makipagtulungan ng Kyiv sa China para matigil na ang kaguluhan.

Sinabi ni Zelensky na balak niyang makipagkita kay Xi Jinping matapos ang panawagan ng pamahalaan ng Chinese leader para sa peace talks, at sinabing importante ito para sa world security.

Inihirit sa 12-point paper ng China ang “political settlement” ng krisis kasunod ng akusasyon mula sa Kanluran na kinokonsidera ng China na bigyan ng armas ang Russia, na ayon sa Beijing ay hindi totoo.

Hinihikayat din sa dokumento ang mga partido “to support Russia and Ukraine in working in the same direction and resuming direct dialogue as quickly as possible”.

Malinaw din na inihayag dito ang oposisyon sa paggamit ng nuclear weapons.

“We highly value the sincere desire of our Chinese friends to contribute to the settlement of the conflict in Ukraine through peaceful means,” ayon sa Russia, subalit iginiit na dapat kilalanin ang “new territorial realities” sa kasunduan.

Duda naman ang mga kaalyado ng Ukraine sa dokumento ng China, kung saan sinabi ni NATO chief Jens Stoltenberg na Beijing “doesn’t have much credibility because they have not been able to condemn the illegal invasion of Ukraine”.

“Putin is applauding it, so how could it be any good?” ayon naman kay US President Joe Biden nitong Biyernes.

Base naman kay German President Frank-Walter Steinmeier na habang “every constructive suggestion that brings us closer on the path to a just peace is highly welcome… whether global power China wants to play such a constructive role is still doubtful”.

Sa press conference sa Beijing, hinikayat ng Ukrainian at EU diplomats ang China na pilitin ang  Russia na wakasan na ang giyera.

Ayon kay Jorge Toledo, EU ambassador to China, ang Beijing ay may “special responsibility” na panatilihin ang kapayapaan bilang permanent member ng UN Security Council.

Sa United Nations, sinabi ng tagapagsalita ni Secretary-General Antonio Guterres: “I think the call on the need to avoid the use of nuclear weapons is particularly important.”

Itinuturing ng China ang posisyon nito bilang neutral party sa hidwaan habang nananatiling malapit sa strategic ally nito na Russia.

Nakipagkita ang top Chinese diplomat na si Wang Yi nitong Miyerkules kay Putin at sa Russia’s foreign minister na si Sergei Lavrov, sa Moscow. RNT/SA