Russia walang kasalanan sa nagbabadyang food crisis-Putin

Russia walang kasalanan sa nagbabadyang food crisis-Putin

July 1, 2022 @ 10:53 AM 2 months ago


MOSCOW – Walang pananagutan ang Russia sa nagbabadyang food crisis sa buong mundo bunsod ng kaguluhan sa Ukraine.

Ito ang iginiit ni Russia President  Vladimir Putin noong Huwebes.

Ang Ukraine kasi ay isang pangunahing exporter ng mais at trigo kung saan naharang ang produksyon nito bunsod ng opensiba ng militar ng Moscow, na nagdulot ng pagtaas ng presyo at takot sa kakulangan sa pagkain na partikular na makakaapekto sa pinakamahihirap na bansa.

We have not put any restrictions on the export of fertilisers, nor on the export of food products,” ani Putin sa pagsalubong nito kay Indonesian leader Joko Widodo.

Dagdag pa ni Putin na hindi hinadlangan ng Moscow ang “export of Ukrainian wheat,” at idinagdag pa niya na ang Russia ay “in constant contact” sa UN agency na tumututok sa isyu.

Sa halip, sinisi ni Putin ang mga parusa na ipinataw ng Western countries sa Russia. Sinabi niya na sa pamamagitan ng pag-target sa mga may-ari ng mga kumpanya ng pataba, ang mga parusa sa Kanluran ay “lumikha ng mga kondisyon na nagpahirap” sa paghahatid ng ilang mga produkto sa buong mundo. RNT