Russia walang pag-asang manalo sa giyera – Zelensky

Russia walang pag-asang manalo sa giyera – Zelensky

February 21, 2023 @ 8:21 AM 1 month ago


KYIV, Ukraine – Matapang na inihayag ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na walang pag-asang manalo ang Russia sa kanilang isang taon nang giyera.

Ang pahayag ay winika ni Zelensky sa sorpresang pagbisita ni US leader Joe Biden.

“This is an unequivocal signal that Russian attempts to win will have no chance,” ani Zelenzky. “Together we will protect our cities, our people from the terror of Russia.”

Sa pagbisita ng Pangulo ng Amerika nangako rin siya ng karagdagang armas. RNT