Russian envoy: $38M chopper deal dapat igalang ng Pinas

Russian envoy: $38M chopper deal dapat igalang ng Pinas

October 20, 2022 @ 11:37 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Dapat igalang ng gobyerno ng Pilipinas ang $38-million military helicopter contract na naunang kinansela ng gobyerno dahil sa takot sa sanction ng United States.

Ito ang iginiit ni Russian envoy to the Philippines Ambassador Marat Pavlov matapos ang ulat na pagkansela ng administrasyong Duterte sa kontrata na pagbili ng 16 na military helicopter sa Russia.

“We are ready to fulfill all our obligations as a reliable partner of the Philippine side in the field of technical military cooperation and we consider that it will also be done by the Philippines,” Marat told a group of journalists on Wednesday evening.

Ani Pavlov na hindi sila nakatanggap ng pormal na anunsyo ng pagkansela sa nasabing kontrata.

Dahil dito, hindi pa umano tumitigil ang Russian contractor sa paggawa ng 16 helicopters at ang mga Pinoy na piloto na inatasang magpatakbo ng sasakyang panghimpapawid ay nakatapos ng pagsasanay sa Russia.

“The downpayment was made for the start of the assembly operation, so we continue to assemble. Kasi we received the amount of the money so fulfilling all the contractual obligation,” aniya.

Sinabi ni Pavlov na isang fully assembled helicopter ang ihahatid sana sa Pilipinas noong Hunyo, ngunit tinanggihan ito ng gobyerno ng Pilipinas.

Ang unit ng helicopter ay ibibigay nang walang bayad bilang side bonus ng deal.

“Ito ay isang napakahalagang isyu ng aming bilateral na relasyon. Ito ay natapos nang walang anumang presyon mula sa panig ng Russia sa nakaraang administrasyon,” sabi ni Pavlov.

Nang tanungin kung posible ba ang refund sa nakanselang kontrata.

“We’d like to see the position of the Philippine government and after that we discuss the process of contractual obligation,” tugon ni Pavlov. RNT