Russian foe knockout kay world-ranked Pinoy Vincent Astrolabio sa 6th rounds

Russian foe knockout kay world-ranked Pinoy Vincent Astrolabio sa 6th rounds

December 19, 2022 @ 1:33 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Winasak ni rising Filipino contender Vincent Astrolabio ang kasagupang si Nikolai Potapov matapos itong i-knockout sa 6th round ng kanilang 12-round IBF bantamweight eliminator fight noong Linggo sa Las Vegas (Lunes, oras ng Maynila).

Pinagbasak ng 25-anyos na tubong General Santos City ang kalabang Ruso ng tatlong beses, ang huli ay sa pamamagitran ng kaliwa-kanang kumbinasyon na nagpaluhod kay Potapov sa ikaanim na round.

Nabigo si Potapov, 32, na lusutan ang 10-count ng referee na si Robert Hoyle dahilan para magdiwang ng husto si Astrolabio at umakyat sa lubid sa apat na sulok ng ring habang ninanamnam ang  hiyawan ng mga tao sa Chelsea Ballroom ng Cosmopolitan ng Las Vegas.

Nagtapos ang laban sa tiyempong 1:26 ng ikaanim.

Ayon sa Pinoy, inaalay niya ang tagumpay kay boxing great Manny Pacquiao na nagdiwang ng kaarawan noong Sabado.

Dahil sa panalo, nag-imprub ang kanyang record sa 18-3 na may 13 Kos at inaasahang magiging No. 1 contender para sa IBF title belt na kasalukuyang hawak ng unified champion na si Naoya Inoue ng Hapon.

Si Astrolabio, dating No. 6 sa IBF matapos ang  unanimous decision win kontra kay two-time world champion Guillermo Rigondeaux na nakatikim din ng knockdown sa Pinoy, ay hinawakan  ng dating trainer ni Pacquiao na si Nonoy Neri.

Siya ay gumawa ng higit pang pinsala laban kay Potapov, ang No. 3 IBF contender, matapos niyang pabagsakin sa mismong opening round at pagkatapos ay umiskor ng isa pang knockdown sa ikalima.

Hanggang sa oras na itigil, nangunguna si Astrolabio sa scorecard ng tatlong judges, 50-43, 49-44, 48-45.

Bumagsak si Potapov sa 23-3-1 record na may 11 KOs.JC