Russian minister nakiramay sa Paeng victims

Russian minister nakiramay sa Paeng victims

November 3, 2022 @ 8:38 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nagpahayag ng pakikiramay si Russian Minister of Foreign Affairs Sergey Lavrov sa hagupit ni Tropical Storm Paeng, na nagdulot ng pagkasawi at pinsala sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

“I ask you to convey the words of deep sympathy to the families of the victims and the wishes for a speedy recovery to all those affected by the disaster,” aniya.

Naiulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Miyerkules na ang bilang ng reported fatalities mula sa Paeng (Nalgae) ay umabot na sa 121.

Karamihan sa mga nasawi ay naiulat sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), na may 61 patay, 29 sa Western Visayas at 12 sa Calabarzon.

Subalit, 92 pa lamang ang kumpirmadong nasawi.

Inihayag ng NDRRMCna hindi bababa sa 103 indibidwal ang nasugatan at 36 ang naiulat na nawawala. Idinagdag pa nito na may kabuuang 3,180,132 indibidwal o 927,822 pamilya sa 7,341 barangay sa lahat ng rehiyon ang apektado ni Paeng. RNT/SA