Russian skater Aleksandr Korovin gustong maging naturalized Filipino

Russian skater Aleksandr Korovin gustong maging naturalized Filipino

January 3, 2023 @ 8:32 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagpahayag si Russian figure skater  Aleksandr Korovin na handa siyang simulan na ang proseso ng naturalisasyon upang maging isa siyang mamamayang Pilipino.

Ibinahagi ng skating pairs partner ni Aleksandr na si Isabella Gamez ang balita at sinabing nais nialang mag-qualify sa 2026 Winter Olympics sa Milan, Italy.

“Mayroon pa kaming tatlong taon para paghandaan pero very focused kami, we’re very determined,” she said.

Nanalo sina Isabella at Aleksandr ay nanalo ng kauna-unahang internasyonal na medalya ng Pilipinas para sa mga pares ng skating nang makasungkit sila ng pilak sa 2nd Trophee Metropole Nice Cote D’Azur sa Nice, France noong Oktubre.

Nagtanghal din ang pares sa “Carols on Ice,” ang musical Christmas ice show na inorganisa ng Philippine Skating Union noong Disyembre.

Kumpiyansa si PhSU president Nikki Cheng na mas maraming Filipino figure skaters ang makasasama sa Olympics pagkatapos na lumaban si Michael Martinez sa 2014 Sochi at sa 2018 Pyeongchang Games.

“I want to bring more Filipino athletes to the world level. Gusto kong makakita ng representasyon mula sa Pilipinas sa bawat Olympic cycle,” wika nito.JC