Ruta ng ‘Walk of Faith’ ng Nazareno, ininspeksyon

Ruta ng ‘Walk of Faith’ ng Nazareno, ininspeksyon

December 11, 2022 @ 12:35 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Ininspeksyon na ng mga organizers at awtoridad ang ruta ng prusisyon para sa “Walk of Faith” mula Quirino Grandstand sa Luneta hanggang sa Minor Basilica ng Black Nazarene sa Quiapo, Maynila.

Sa kanilang social media post nitong Sabado, Disyembre 10, sinabi ng Simbahan ng Quiapo na isinagawa ang inspeksyon noong Disyembre 6 upang masiguro na ang mga kalsada na dadaanan sa Walk of Faith ay ligtas.

“The Quiapo church conducted an inspection and review of the route of the Walk of Faith as part of the celebration of the Feast of Jesus the Nazarene on Jan. 8, 2023,” saad sa post.

Ang Walk of Faith ay papalit sa tradisyunal na Traslacion dahil pa rin sa banta ng COVID-19.

Bago ang prusisyon, magdadaos muna ng misa na pangungunahan ni rector Father Rufino Sescon Jr.

Dadalhin ang imahe ng Black Nazarene sa Luneta mula Enero 7 hanggang Enero 9. Jocelyn Tabangcura-Domenden